Biyernes, Setyembre 9, 2016


Panoorin ang aming Vlog
Mercedes B. Concepcion

 (10 Hunyo 1928)


Mga Katangian (Kalakasan at Kahinaan)
Tinaguriang “Ina ng Demograpiya sa Asya.

Malaki ang naging kontribusyon ni Mercedes Concepcion sa pagsisikap na gawing mas moderno at masinop ang pag-aaral ng demograpiya sa Pilipinas.
Kinilála siyá ng Philippine American Foundation bilang kauna-unahang demograpo sa bansa sapagkat ang kaniyang mga gawa, publikasyon, at pananaliksik ay nakatulong sa pagpapaunlad ng mga patakaran at paraan sa pagpaplano ng pamilya sa Asia at ibang panig ng daigdig. Malaki ang naging kontribusyon niya sa pagsisikap na gawing mas moderno at masinop ang pag-aaral ng demograpiya sa Filipinas. Iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng Agham noong 14 Enero 2010.


Mga Isyung kinaharap at Mga Tagumpay
Siyá ang unang Filipino na naging kagawad ng United Nations Statistical Training Center noong 1955 at unang direktor ng Population Institute sa Unibersidad ng Pilipinas na itinatatag noong 1965. Siyá rin ang tanging naging kinatawan ng bansa sa UN Population Commission at unang babae sa buong Asia na naging tagapangulo ng International Union for the Scientific Study of Population. Malaki ang naitulong ni Concepcion sa pagbabalangkas ng Population Act of 1971. Ang batas na ito ang nagtakda ng pambansang patakaran sa populasyon at nagbigay direksiyon sa pagpapatupad ng mga programa para sa pagpaplano ng pamilya. Pinangunahan din niya ang pagrepaso sa sistemang pang-estadistika ng Filipinas at nagbigay daan upang itatag ang National Statistical Coordination Board, National Statistics Office, Bureau of Agricultural Statistics, Bureau of Labor and Employment Statistics, at Statistical Research and Training Center.


Uri ng Pamumuno
Transactional, Participative at Free-Rein ang kanyang pamumuno sapagkat epektibo at mahusay ang kanyang mga pamamaraan upang maisagawa ang kanyang mga pag-aaral. Siya rin ay
mapanuri at mayroong nakatalagang layunin. Makikita ang kanyang dedikasyon sa kaliwa’t kanang parangal na kanyang natatanggap.  Patunay ang mga ito ng pagiging isang magaling at kapuri-puring pinuno ni Concepcion.




Trinidad Tecson
(18 Nobyembre 1848 – 28 Enero 1928)


Ina ng Philippine National Red Cross/ Ina ng Biak na Bato/ Ina ng Biak na Bato at Ina ng Philippine National Red Cross

Mga Katangian, Isyung kinaharap at Tagumpay
Kilala bilang Ina ng Biak na Bato at Ina ng Awa ng Philippine revolution.
 Nakipaglaban siya kasama ang mga kalalakihan upang ipagtanggol ang kalayaan mula sa mga Kastila . Bagaman at babae, tinanaw siyang pinuno ng mga katipunero dahil buo ang kanyang luob kahit sa init ng labanan at may 'utak' siyang kumilala ng mga dapat gawin upang magwagi. Ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging mataktika/mapamaraan. Siya ay walang takot na sumali sa labingdalawang madugong rebolusyon sa Bulacan kasama na ang kilalang labanan sa Biak- na –Bato. Nakahanda siyang mamuno kahit sa pinakamahirap na kondisyon. Siya rin binigyan ng titulong Ina ng Biak- na- Bato ni Gen. Emilio Aguinaldo at pinuri bilang Ina ng Philippine National Red Cross dahil sa kaniyang hindi matatawarang tulong sa mga Katipunero.

Uri ng Pamumuno
Maituturing na participative, democratic at transformational ang uri ng pamumuno ni Tecson  sapagkat hindi niya ginagamit ang kanyang posisyon at bukas siya sa opinyon ng iba. Siya rin ay masigasig at optimista, at nagbibigay inspirasyon at motibasyon sa kanyang mga kasamahan. Makikita ang kanyang pokus at dedikasyon at higit sa lahat at ang pagiging lider sa pamamagitan ng halimbawa.

Grace Poe

Mga Katangian (Kalakasan at Kahinaan)
Si Grace ay bagong salta sa pulitika pero hindi sa serbisyo publiko. Mula Oktubre 10, 2010 hanggang Oktubre 2, 2012 ay pinamahalaan niya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at sa pagkakatalaga sa kanya ay ipinakilala niya ang bagong sistema ng pag-uuri o klasipikasyon sa sensura ng pelikula at telebisyon, ang pagkakaroon ng karagdagang suporta ng institusyon sa mga tagapagtaguyod ng independent film at ang pakikipagkasundo sa iba pang kawanihan ng gobyerno, samahan sa media at iba pang grupo na may malasakit sa interes sa mga batang manonood.
Nagtrabaho rin si Grace sa FPJ Productions and Film Archives, Inc., negosyo ng kanilang pamilya. Sa Amerika ay nagkaroon din siya ng karanasang mamasukan bilang guro, opisyal ng pakikipag-ugnayan at tagapamahala ng produkto.
Nababatay ang plataporma ni Llamanzares sa tipan na una nang binuo ni FPJ: Pagsawata sa Kahirapan, Oportunidad para sa lahat, lalo na sa mga bata, at elektoral na reporma.
Sakaling maupo sa senado, balak ni Grace na tulungan ang mga batang mahihirap dahil naniniwala siyang ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay sa kung paano huhubugin sa hinaharap ang mga bata.
Mga Isyung kinaharap at Mga Tagumpay
Ang mga isyung kinaharap ni Poe ay tungkol sa kaniyang pinagmulan at ang paghusga ng mga tao sa kanyang kakayahan sa pamumuno. Kung ibabase sa kaniyang karanasan sa politika, masasabing hindi ito sapat upang tumakbo sa mas mataas na posisyon gaya ng pagkapangulo. Binatikos din siya dahil sa kalabuan ng kaniyang pagkatao, kung siya nga ba ay isang Filipino citizen or hindi.
Isa si Grace sa tatlong panauhing kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) na hindi nakadalo sa pangangampanya ng partido. Ang dahilan, sa proclamation rally ng kabilang grupo ng Team Pnoy ng Partido Liberal nangangampanya ang tatlo. Ang hakbang na ito ay umani ng batikos at isa may nag-akusa kay Grace Poe na segurista, at namamangka sa dalawang ilog. Katwiran ni Grace Poe, nauna siyang imbitahan ni Pangulong Benigno Aquino III na sumanib sa Partido Liberal. Naunang inampon ng LP si Grace sa kabila ng pagdedeklara nito na tatakbo siyang Independent sa halalan 2013 para sa pagkasenador.

Uri ng Pamumuno
Aktibong lider at tagapagsalita sa publiko, itinanghal din si Grace bilang kampeon sa debate sa Assumption College kung saan siya nagtapos ng elementarya at sekundarya. Kumuha siya ng Aralin sa Pagpapaunlad sa Unibersidad ng Pilipinas, Maynila (UPM) noong 1986 hanggang 1988. Nag-aral din siya sa Boston College para sa kanyang masteral sa Political Science (Government and Political Theory). Masigasig din niyang pinaghahanadaan ang mga talumpati at debate kung saan siya ay kabilang.

Miriam Defensor- Santiago,
“Ang Iron Lady ng Pinas”

Mga Katangian
Si Miriam Defensor-Santiago ay kilalang matapang na pulitiko., kritiko at lumalaban sa korapsyon ng gobyerno, makapangyarihang babae sa mundo, ang Margaret Thatcher ng Pilipinas at ang Most Outstanding Senator.
Mula pa sa panahon ni Marcos hanggang sa kasalukuyang Aquino, naipamalas na niya ang tunay na kulay ng pulitika. Sabihin na nating traditional politician, malaki naman ang naiambag nya sa pulitika ng bansa. Si Miriam, ang pinakamatagumpay na naging senadora, nakapag-akda ng napakaraming batas at pinagkakatiwalaan ng madla pagdating sa tunay na public service.

Mga isyung kinahrap at mga tagumpay 
Nang tumakbo siya ng pagkaangulo ay natuklasan na nagkaroon ng malawakang pandaraya sa halalan. Lamang ng milya-milya sa unang limang araw ng bilangan ng boto noong 1992 presidential elections ngunit biglang natalo at nalaglag dahil sa nangyaring nationwide blackout. Naulit pa ang pagtatangka noong 1998 nang tumakbo muli sa ilalim ng People’s Reporm Party at natalo laban kay Joseph Ejercito Estrada. Isa sa mga pangunahing isyu na kinaharap nito ay ang paglubha ng kaniyang kalusugan. Natuklasang may cancer at stage 4 na ito. Gayunpaman, ipinakita ni Defensor-Santiago na hindi siya basta basta matitinag sa ganitong bagay. Patuloy parin ang kaniyang adbokasiya laban sa korupsiyon at mabigyan ng malinis at tapat na serbisyo ang mamamayang Pilipino. Ang hamon kay Miriam ay malaki dahil nakasalalay sa mga kamay nya ang hustisya at katarungan na dinaraing ng mundo hinggil sa mass genocides at iba pang krimeng lumalapastangan sa karapatang-pantao. Kahit na kumakain sya ng death-threats sa umaga, mag¬duwelo at mag¬-suicide para ituwid ang mali at magtatalak sa senado, si Miriam ay minahal ng madla kahit na sa tingin ng iba ay may pagka-tuliling ang utak sa mga desisyon at salitang binibitawan.

Uri ng Pamumuno
Naging isa sa pinakamakangyarihang huwes at ang pinakamaraming natapos na kaso na inihain sa kanyang sala. Lalo’t higit ay mga kaso noong panahon ng Martial Law. Walang ibang huwes ang naglakas loob na buwagin ang batas militar na pinairal na Marcos sa halip ay Saligang Batas ang ipinairal kahit na buhay at katungkulan ang nakataya. Sa mga desisyon ni Miriam, due process of law ang kanyang pinaibabaw. Pinagtanggol nya ang karapatan ng mga kabataan at etudyante at pinanindigan ang kalayaan ng hudikatura noong panahong Marcos. Siya ay bayaning matatawag ng lahat ng mga estudyante sa unibersidad at nirespeto pati na mga martial law administrators.
Napakaraming batas na ang naiambag ng senadora, at isa sa mga inisusulong nya sa kasalukuyang panahon (mula November 2011) ay ang Reproductive Health Bill, Foreign Language Education Partnership Act, False Complaints Against Public Officials  as an Aggravating Circumstances of Perjury, Pollutant Release and Transfer Registry Act, Stay Clean and Sober Act, Fire Arms Law, An Act Criminalizing Necrophilia, Ending Corporal Punishment in Schools Act of 2011, Philippine HIV and AIDS Plan Act of 2011, Anti-Justice Evasion through Travel Act of 2011, Preventive Imprisonment, Limitation on Recall in Local Government Code, Incandescent Light Bulb Ban Act, Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and other crimes Against Humanity, Revised Penal Code (Incriminating Innocent Person), Anti-Money Laundering Act, Special Education Act, Total Plastic Ban Act of 2011, Coastal Tourism Planning Act, Excise Tax on Tobacco Product, Electoral Processes Accessibility Act of 2011 at marami pang iba.
Kaliwa’t kanan ding parangal ang natanggap niya sa kanyang likas na talino at baong serbisyo sa masa. Sa papasuking bagong karera ni Miriam, nariyan pa rin ang sambayanang Pilipino na naniniwala sa kanyang kakayahan. Ang iskolar ng bayan na talino ang puhunan at palaban, iyan si Miriam Defensor- Santiago!

MELCHORA AQUINO

                                                         Katangian (Kahinaan at Kalakasan)
Noong panahong umusbong ang rebolusyon laban sa mga Espanyol dahil sa gustong mapasakamay ng mga Espanya ang Pilipinas, nasa edad na 84 na si Melchora Aquino ngunit hindi ito naging hadlang upang makatulong sa mga rebolusyonaryo na handang lumaban sa mga mananakop. Ipinagamit ang kanyang tindahan upang makapagbigay siya ng medikal na pangangalaga at nakakapagbigay din niya ng lakas ng loob sa mga sundalong nakikipaglaban laban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pananalangin. Nagsasagawa rin ang mga sundalo ng mga sekretong pagpupulong sa tindahan ni Tandang Sora. Noong nalaman ng mga Espanyol, ang pagbibigay-alaga sa mga sundalo, dinakip nila si Tandang Sora at tinanong kung saan matatagpuan ang lider ng mga katipunero na si Andres Bonifacio. Tumanggi siyang isawalat kung ano ang kanyang nalaman kung kaya’t ipinatapon ng Espanya sa Mariana Islands si Tandang Sora. Matapang at walang alinlangang tumulong si Melchora Aquino sa mga nangangailangan kahit nasa bingit ng panganib ang kanyang buhay.

Mga Isyung Kinaharap
Ang pagtulong sa mga katipunero bilang manggagamot at patnubay noong pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
Ipinatapon siya sa Mariana Islands ng hindi pagsiwalat sa kinatatagpuan ng lider ng Katipunan, Andres Bonifacio.
Noong nakabalik siya sa Pilipinas, matanda na at mahina na si Melchora Aquino. Ni-nalalabing ari-arian ay wala na rin ng makauwi ito sa kanyang tahanan at tindahan.

Mga Tagumpay:
Tinagurian siyang “Ina ng Katipunan”
Kasapi sa mga samahan tulad ng Iglesia Filipina Independiente, Katipunan, La Liga Filipina La Solidaridad, Pangkat Magdalo, Pangkat Magdiwang, Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik

Uri ng Pamumuno:
Kagaya ng isang ina ang pamumuno at pangunguna ni Melchora Aquino sa mga matatapang na katipunero na nakikipaglaban sa mga Espanyol na mananakop. Hindi niya pinabayaan ang mga taong nangangailangan ng kaniyang tulong kahit na alam niyang ang posibleng mangyari sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang kanyang katandaan sa panggagamot kundi naging daan pa ito upang makatulong.

GREGORIA DE JESUS

Katangian (Kahinaan at Kalakasan)
Bilang babae at asawa ng Supremo na si Andres Bonifacio, naging tagapagtago siya ng mga lihim na dokumento ng Katipunan. Matapang niyang hinarap ang kanyang kapalaran na maging asawa ng isang rebolusyonaryo, patunay nito ang ginawa niya noong nababalita na mag-iimbestiga ang mga Espanyol, nilikom niya ang mga dokumento at mga  armas at agad siyang umalis lulan ng isang sasakyan na siya mismo ang nagpaandar. Niligaw niya ang mga kaaway ng siya ay magpaikot-ikot sa mga tabi ng ilug-ilugan ng Tondo. Sa mabilis na paggalaw ni Oriang, nakakaiwas ang mga Katipunero sa bingit ng kamatayan laban sa mga Espanyol. Natuto siyang sumakay ng kabayo at bumaril na bilang panlaban sa mga kaaway na noong mga panahon na iyon ay bihira lamang ang makagawa nito sa isang babae. Naranasan niyang maiwan sa mga mapapanganib na mga lugar bilang isang gerera.

Mga Isyung Kinaharap
Sa edad na 18, umibig si Gregoria sa Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Ngunit tinutulan ito ng ama ni Gregoria na si Nicolas de Jesus dahil si Bonifacio ay isang mason na tumututol sa mga turo ng simbahan. Kalaunan, pinahintulutan rin ito ng kanyang ama at nagpakasal sila sa simbahan ng Binondo. Sapagkat siya ang lumilikom ng mga lihim na sulat at mga importanteng dokumento ng Katipunan, tungkulin niyang itago ito sa mga kaaway upang hindi malaman kung ano ang kanilang plano.

Mga Tagumpay
Nabantayan niyang maayos ang mga dokumento at matapang niyang hinarap ang mga kaaway. Hindi naging hadlang ang pagiging babae at ina niya sa pagtatanggol sa ikabubuti ng kalagayan ng bansa. Kahit hindi siya pinapatuloy ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang tahanan, naging matatag siya at hinarap ang hamon ng mga Espanyol ng buong katapangan.

Uri ng Pamumuno
Nanguna siya sa pakikipaglaban at pagtatago sa mga mapapanganib na lugar upang maprotektahan ang mga inosenteng Pilipino at maipagtanggol sa mga umaaping mga dayuhan na pilit sumasakop sa ating bansa. Nasa panganib man ang kanyang buhay, pilit niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin upang maging mukha ng katapangan at mapatunayang hindi lamang ang mga kalalakihan ang may ipinaglalaban para sa kalayaan ng bansa.