Biyernes, Setyembre 9, 2016

MARIA JOSEFA GABRIELA SILANG

Katangian Kalakasan
Sinong nagsasabing ang mga kababaehan ay hindi kayang maging kasing tapang ng mga kalalakihan? Ang mga babae ay may angking  pagpupunyagi at lakas na hindi inaasahan lalo noong unang panahon. Ito ay mapapatunayan ni Gabriela Silang, Isang babaeng namuno sa digmaan at isang kalakaran.

Mga Isyung Kinaharap
Noong sinakop ng mga Espanyol ang Ilocos, ang buhay ng mga Ilocano ay nagging marahas at katakot takot. Silang ay persahang  pinagtratrabaho at sinisingil ng pagkatataas na buwis. Hinarap nila ang malaki nang problemang panlipunan. Sa pamumuno nina Diego Silang at Gabriela Silang, ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol ay nabigyang buhay. Dahil sa taglay na katapangan ni Gabriela Silang, marami ay humanga sa kanya. Hindi nila inaakala na ang isang babae ay maykakayahang sumali at pagpunyagi sa isang digmaan. Patuloy ni yang panag laban ang karapatan na kalayaan.

Ang sinimulan na pag-aalsa ay hindi madali, madaming paghihirap ang kinaharap ng mag-asawa.  Sa kabila ng panganib na kanilang kinaharap, hindi parin sumuko ang dalawa sa ngalan ng tagumpay at kalayaan.

Sa kasamaang palad, napatay ng mga Kastila si Diego. Ang pagkamatay ng kanyang asawa ay nagdulot sa kanya ng lubhang pagkalungkot. Dahil sa pagkamatay ni Diego, mistulangan na pilay an gang kanilang pag-aaklas. Kahit na nagluluksa dahil sa pagkawala ng asawa, tinangap ni Gabriela ang resposibilidad ng pagiging pinuno nang mag-isa. Madami ay hindi nag-aakala na siya ay magtatagumpay, sa dahilan na siya ay isang babae. Ang pagkawala ng kanyang asawa ay nagging isang malaking pagsusubok sa kanya. Siya ay lumaban bilang isang Henerala, ipinakita ang pagiging magiting sa digmaan. Pinangunahan niya ang kanyang mga kinasasakupan upang matamo ang kalayan na hinahangan ng kanyang namatay na asawa. Kanyang pina tuloy ang laban hangang sa huling hininga.

Mga Tagumpay at Uri ng pamumuno
Hindi nawalan ng pagasa is Gabriela kahit na wala na ang kanyang asawa. Kanyang inisip ang kinabukasan ng kanyang mahal na bayan. Siya ay nag desisyon  na itinuloy ang labang naiwan ng asawa.
Kanyang pinalakas at nagparami pa ang mga sundalo, siya ay nanawagan sa mga kababayang naninirahan sa bulubundukin ng Abra. Sa pagnanais na muling makuha ang kalayaan sa Vigan, itunoloy nila ang pag sulob sa mga Kastila. Ngunit, ang dala niyang kawal ay na sa 2000 lamang, habang 6000 ang mga Kastila. Ang kanilang pangkat ay nakipaglaban ng buo ang luob para sa hinahangad na kalayaan. Nang matapos ang digmaan, nagdesisyon si Gabriela na tuluyang paatrasin ang natitirang walumpung kababayan. Kahit na hindi nagtagumpay sa laban, siya ay nagging inspirasyon sa kanyang mga kababayan, noon maging ngayon. Siya ay kumakatawan sa isang matapang sa henerala na handang ibuwis ang buhay para sa nakararami at sa kaginhawaan at karayaan. Sa huli, ang Espanyol ay natunton siya ng mga espanyol at walang awang binitay ang henerala. Upang ipagyabang ang pangyayari,ikinalat ng mga Kastila ang masamang balita, na may pagnanais na matakot ang ibang mag-tatangkang pag-aalsa laban sa kanila. Hindi nila inaasahan na ang balitang ito ay nag bigay nang mas malaking pagasa upang mas mahalin at ipagtanggol ng mga tao ang bayan at kanilang mga karapatan.


2 komento: