Biyernes, Setyembre 9, 2016

RODRIGO ROA DUTERTE
Si Rodrigo roa duterte o mas kilala sa pangalang digong ay ang Labing anim na pangulo ng republika ng pilipinas, matapos makalipon ng higit labing anim na milyong boto, siya ay isang abugado at nagsilbing Alkalde ng Dabaw (Davao City) ng higit na 20 taon bago tumakbo bilang pangulo

Katangian  Kalakasan
Si Pangulong duterte ay nakilala sa kanyang tibay ng pamumuno mula noong siya ay isa pang alkalde,  kilala ang kanyang pamamalakad bilang strikto at may paninindigan, ang galit nya sa krimen ang nagdala sa Davao mula sa isang magulong syudad papunta sa pinaka ligtas at maayos ang pamamalakad, galit sa korupsyon,  krimen,  Droga at iba't ibang uri ng paglabag sa batas.  Ito ay nagustuhan ng mamayang Pilipino kaya't sya ay hinikayat tumakbo bilang Pangulo, sa platapormang sugpuin ang korupsyon l,  kriminalidad at Droga sa bansa,  lumitaw ang kanyang pagkatao mula sa ibang kandidato.  Nakita umano ng ibang Pilipino ang tapang at malasakit para sa tao. Sa pagkamuhi ng tao sa korapsyon na dinala ng mga nakalipas na administrasyon. Maraming humuhusga sa kanyang kakayanan bilang pinuno dahil sa pamamaraan ng kanyang pagsasalita,  hindi sya katulad Ng mga nakasanayan nating pinuno na pormal at lahat ay dinadaan sa pagandahan lamang ng salita.  Subalit ito ay binabati naman niya sa aksyon at epekto ng kanyang nasabing  pamumuno.

Uri ng Pamumuno
Ang pinaka malaking isyu na hinaharap ng ating kasalukuyang pangulo ay ang problema sa Droga kung  saan halos nilamon o nasakop na nito ang buong bansa.  Sa kanyang platapormang sugpuin ang Droga ay dito naman naharap ang isa pang problemang dala ng kanyang mga kalaban sa pulitika na binabansagang extra judicial ang paraan ng pamamalakad o walang maayos na pag dinig sa mga kaso,  isa pang isyung hinaharap Ay ang tambak tambak na problemang iniwan ng mga nakalipas na administrasyon kung saan umano na palayo na ang tao sa tiwala sa gobyerno at hindi na ito sumasangguni sa problema.  Sa kanyang pamumuno muli umanong inilalapat ng pangulo ang mga Pilipino sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbukas ng 8888 hotline kung saan pwedeng i sumbong ng taong bayan ang mga nangyayaring anumalya at korupsyon sa lokal Na pamahalaan,  isa narin dito ang pagpapatupad ng pambansang 911 emergency service kung saan sa panahon ng kalamidad o sakuna ay pwedeng tumawag ang mga Pilipino sa paghingi ng saklolo sa gobyerno,
Kilala rin ang ating kasalukuyang pangulo sa kanyang pagsasalita,  panalo dalos at minsan nadadala ng galit.  Ang kanyang paliwanag ito umano ay dahil sa kung gusto raw sya maintindihan ng mga kriminal ay kailangan umano nya salitain ang wika ng mga ito.  Naging epektibo ito sa panahon ng eleksyon kung saan dito nahikayat ang mga Pilipino at naki isa sa galit ng pangulo sa kriminalidad at korapsyon. Kitang kita sa resulta ng eleksyon kung ano ang nararamdaman ng mga Pilipino ukol sa nakaraang pamamalakad ng bansa.  Ito umano ay gusto na nilang mabago at mapalitan ng isang matibay.  Bukas sa tao at maka taong pamahalaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento