(18 Nobyembre 1848 – 28 Enero 1928)
Ina ng Philippine National Red Cross/ Ina ng Biak na Bato/ Ina ng Biak na Bato at Ina ng Philippine National Red Cross
Mga Katangian, Isyung kinaharap at Tagumpay
Kilala bilang Ina ng Biak na Bato at Ina ng Awa ng Philippine revolution.
Nakipaglaban siya kasama ang mga kalalakihan upang ipagtanggol ang kalayaan mula sa mga Kastila . Bagaman at babae, tinanaw siyang pinuno ng mga katipunero dahil buo ang kanyang luob kahit sa init ng labanan at may 'utak' siyang kumilala ng mga dapat gawin upang magwagi. Ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging mataktika/mapamaraan. Siya ay walang takot na sumali sa labingdalawang madugong rebolusyon sa Bulacan kasama na ang kilalang labanan sa Biak- na –Bato. Nakahanda siyang mamuno kahit sa pinakamahirap na kondisyon. Siya rin binigyan ng titulong Ina ng Biak- na- Bato ni Gen. Emilio Aguinaldo at pinuri bilang Ina ng Philippine National Red Cross dahil sa kaniyang hindi matatawarang tulong sa mga Katipunero.
Uri ng Pamumuno
Maituturing na participative, democratic at transformational ang uri ng pamumuno ni Tecson sapagkat hindi niya ginagamit ang kanyang posisyon at bukas siya sa opinyon ng iba. Siya rin ay masigasig at optimista, at nagbibigay inspirasyon at motibasyon sa kanyang mga kasamahan. Makikita ang kanyang pokus at dedikasyon at higit sa lahat at ang pagiging lider sa pamamagitan ng halimbawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento