Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak
noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago
Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni
Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay
namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga
nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan
niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at
papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. Dahil siya ay marunong
magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming
and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga
paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang
kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang
kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang
ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging
matatag siya sa kanyang trabaho. Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa
pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga
kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les
Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng
Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga
tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Mga Isyung Kinaharap
Sa mga
problemang hinarap ng mga Pilipino, pinakamalubha ang kawalan ng hustisya at
ang kalupitan ng guardia civil, ang pagkait sa kalayaang maghayag at magtipon,
ang limitadong edukasyon ng mga Pilipino, at ang pagpapabaya ng gobyernong Espanyol
sa komersyo at industriya.
Mga tagumpay
Taong 1892 kasama sina Ladislao Diwa,
Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang
kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang
samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman
ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896.
Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga
Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin,
Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan
ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at
ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong
ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi
sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang
kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros,
Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng
Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias
naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham.
Uri ng pamumuno
Si Deodato Arellano ang unang pangulo ng Katipunan; nailuklok
siya sa posisyon noong 1892. Noong Pebrero 1893 ay pinalitan siya ni Roman Basa
bilang pinuno ng kapatiran. Noong 1895 naman, muling nagkaroon ng pagpapalit ng
liderato kung saan si Andres Bonifacio ang naging pangulo. Ang tawag kay Bonifacio
ay ‘Supremo’. Namuno si Bonifacio sa maraming labanan kontra sa puwersang
Espanyol. Ang kanya ring mga sulatin ay naghubog sa diwa at kaisipan ng
himagsikan. Isinabuhay niya ang mga aral ng Katipunan na kanya ring sinikap
pagyamanin. Sa ilalim ng kanyang liderato, nagpatuloy ang paglakas ng kilusan
hanggang sa tuluyan itong naghimagsik sa pamahalaang kolonyal noong 1896.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento