Mga Katangian (Kalakasan at Kahinaan)
Si Grace ay bagong salta sa pulitika pero hindi sa serbisyo publiko. Mula Oktubre 10, 2010 hanggang Oktubre 2, 2012 ay pinamahalaan niya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at sa pagkakatalaga sa kanya ay ipinakilala niya ang bagong sistema ng pag-uuri o klasipikasyon sa sensura ng pelikula at telebisyon, ang pagkakaroon ng karagdagang suporta ng institusyon sa mga tagapagtaguyod ng independent film at ang pakikipagkasundo sa iba pang kawanihan ng gobyerno, samahan sa media at iba pang grupo na may malasakit sa interes sa mga batang manonood.
Nagtrabaho rin si Grace sa FPJ Productions and Film Archives, Inc., negosyo ng kanilang pamilya. Sa Amerika ay nagkaroon din siya ng karanasang mamasukan bilang guro, opisyal ng pakikipag-ugnayan at tagapamahala ng produkto.
Nababatay ang plataporma ni Llamanzares sa tipan na una nang binuo ni FPJ: Pagsawata sa Kahirapan, Oportunidad para sa lahat, lalo na sa mga bata, at elektoral na reporma.
Sakaling maupo sa senado, balak ni Grace na tulungan ang mga batang mahihirap dahil naniniwala siyang ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay sa kung paano huhubugin sa hinaharap ang mga bata.
Mga Isyung kinaharap at Mga Tagumpay
Ang mga isyung kinaharap ni Poe ay tungkol sa kaniyang pinagmulan at ang paghusga ng mga tao sa kanyang kakayahan sa pamumuno. Kung ibabase sa kaniyang karanasan sa politika, masasabing hindi ito sapat upang tumakbo sa mas mataas na posisyon gaya ng pagkapangulo. Binatikos din siya dahil sa kalabuan ng kaniyang pagkatao, kung siya nga ba ay isang Filipino citizen or hindi.
Isa si Grace sa tatlong panauhing kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) na hindi nakadalo sa pangangampanya ng partido. Ang dahilan, sa proclamation rally ng kabilang grupo ng Team Pnoy ng Partido Liberal nangangampanya ang tatlo. Ang hakbang na ito ay umani ng batikos at isa may nag-akusa kay Grace Poe na segurista, at namamangka sa dalawang ilog. Katwiran ni Grace Poe, nauna siyang imbitahan ni Pangulong Benigno Aquino III na sumanib sa Partido Liberal. Naunang inampon ng LP si Grace sa kabila ng pagdedeklara nito na tatakbo siyang Independent sa halalan 2013 para sa pagkasenador.
Uri ng Pamumuno
Aktibong lider at tagapagsalita sa publiko, itinanghal din si Grace bilang kampeon sa debate sa Assumption College kung saan siya nagtapos ng elementarya at sekundarya. Kumuha siya ng Aralin sa Pagpapaunlad sa Unibersidad ng Pilipinas, Maynila (UPM) noong 1986 hanggang 1988. Nag-aral din siya sa Boston College para sa kanyang masteral sa Political Science (Government and Political Theory). Masigasig din niyang pinaghahanadaan ang mga talumpati at debate kung saan siya ay kabilang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento