“Ang Iron Lady ng Pinas”
Mga Katangian
Si Miriam Defensor-Santiago ay kilalang matapang na pulitiko., kritiko at lumalaban sa korapsyon ng gobyerno, makapangyarihang babae sa mundo, ang Margaret Thatcher ng Pilipinas at ang Most Outstanding Senator.
Mula pa sa panahon ni Marcos hanggang sa kasalukuyang Aquino, naipamalas na niya ang tunay na kulay ng pulitika. Sabihin na nating traditional politician, malaki naman ang naiambag nya sa pulitika ng bansa. Si Miriam, ang pinakamatagumpay na naging senadora, nakapag-akda ng napakaraming batas at pinagkakatiwalaan ng madla pagdating sa tunay na public service.
Mga isyung kinahrap at mga tagumpay
Nang tumakbo siya ng pagkaangulo ay natuklasan na nagkaroon ng malawakang pandaraya sa halalan. Lamang ng milya-milya sa unang limang araw ng bilangan ng boto noong 1992 presidential elections ngunit biglang natalo at nalaglag dahil sa nangyaring nationwide blackout. Naulit pa ang pagtatangka noong 1998 nang tumakbo muli sa ilalim ng People’s Reporm Party at natalo laban kay Joseph Ejercito Estrada. Isa sa mga pangunahing isyu na kinaharap nito ay ang paglubha ng kaniyang kalusugan. Natuklasang may cancer at stage 4 na ito. Gayunpaman, ipinakita ni Defensor-Santiago na hindi siya basta basta matitinag sa ganitong bagay. Patuloy parin ang kaniyang adbokasiya laban sa korupsiyon at mabigyan ng malinis at tapat na serbisyo ang mamamayang Pilipino. Ang hamon kay Miriam ay malaki dahil nakasalalay sa mga kamay nya ang hustisya at katarungan na dinaraing ng mundo hinggil sa mass genocides at iba pang krimeng lumalapastangan sa karapatang-pantao. Kahit na kumakain sya ng death-threats sa umaga, mag¬duwelo at mag¬-suicide para ituwid ang mali at magtatalak sa senado, si Miriam ay minahal ng madla kahit na sa tingin ng iba ay may pagka-tuliling ang utak sa mga desisyon at salitang binibitawan.
Uri ng Pamumuno
Naging isa sa pinakamakangyarihang huwes at ang pinakamaraming natapos na kaso na inihain sa kanyang sala. Lalo’t higit ay mga kaso noong panahon ng Martial Law. Walang ibang huwes ang naglakas loob na buwagin ang batas militar na pinairal na Marcos sa halip ay Saligang Batas ang ipinairal kahit na buhay at katungkulan ang nakataya. Sa mga desisyon ni Miriam, due process of law ang kanyang pinaibabaw. Pinagtanggol nya ang karapatan ng mga kabataan at etudyante at pinanindigan ang kalayaan ng hudikatura noong panahong Marcos. Siya ay bayaning matatawag ng lahat ng mga estudyante sa unibersidad at nirespeto pati na mga martial law administrators.
Napakaraming batas na ang naiambag ng senadora, at isa sa mga inisusulong nya sa kasalukuyang panahon (mula November 2011) ay ang Reproductive Health Bill, Foreign Language Education Partnership Act, False Complaints Against Public Officials as an Aggravating Circumstances of Perjury, Pollutant Release and Transfer Registry Act, Stay Clean and Sober Act, Fire Arms Law, An Act Criminalizing Necrophilia, Ending Corporal Punishment in Schools Act of 2011, Philippine HIV and AIDS Plan Act of 2011, Anti-Justice Evasion through Travel Act of 2011, Preventive Imprisonment, Limitation on Recall in Local Government Code, Incandescent Light Bulb Ban Act, Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and other crimes Against Humanity, Revised Penal Code (Incriminating Innocent Person), Anti-Money Laundering Act, Special Education Act, Total Plastic Ban Act of 2011, Coastal Tourism Planning Act, Excise Tax on Tobacco Product, Electoral Processes Accessibility Act of 2011 at marami pang iba.
Kaliwa’t kanan ding parangal ang natanggap niya sa kanyang likas na talino at baong serbisyo sa masa. Sa papasuking bagong karera ni Miriam, nariyan pa rin ang sambayanang Pilipino na naniniwala sa kanyang kakayahan. Ang iskolar ng bayan na talino ang puhunan at palaban, iyan si Miriam Defensor- Santiago!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento