Biyernes, Setyembre 9, 2016


Panoorin ang aming Vlog
Mercedes B. Concepcion

 (10 Hunyo 1928)


Mga Katangian (Kalakasan at Kahinaan)
Tinaguriang “Ina ng Demograpiya sa Asya.

Malaki ang naging kontribusyon ni Mercedes Concepcion sa pagsisikap na gawing mas moderno at masinop ang pag-aaral ng demograpiya sa Pilipinas.
Kinilála siyá ng Philippine American Foundation bilang kauna-unahang demograpo sa bansa sapagkat ang kaniyang mga gawa, publikasyon, at pananaliksik ay nakatulong sa pagpapaunlad ng mga patakaran at paraan sa pagpaplano ng pamilya sa Asia at ibang panig ng daigdig. Malaki ang naging kontribusyon niya sa pagsisikap na gawing mas moderno at masinop ang pag-aaral ng demograpiya sa Filipinas. Iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng Agham noong 14 Enero 2010.


Mga Isyung kinaharap at Mga Tagumpay
Siyá ang unang Filipino na naging kagawad ng United Nations Statistical Training Center noong 1955 at unang direktor ng Population Institute sa Unibersidad ng Pilipinas na itinatatag noong 1965. Siyá rin ang tanging naging kinatawan ng bansa sa UN Population Commission at unang babae sa buong Asia na naging tagapangulo ng International Union for the Scientific Study of Population. Malaki ang naitulong ni Concepcion sa pagbabalangkas ng Population Act of 1971. Ang batas na ito ang nagtakda ng pambansang patakaran sa populasyon at nagbigay direksiyon sa pagpapatupad ng mga programa para sa pagpaplano ng pamilya. Pinangunahan din niya ang pagrepaso sa sistemang pang-estadistika ng Filipinas at nagbigay daan upang itatag ang National Statistical Coordination Board, National Statistics Office, Bureau of Agricultural Statistics, Bureau of Labor and Employment Statistics, at Statistical Research and Training Center.


Uri ng Pamumuno
Transactional, Participative at Free-Rein ang kanyang pamumuno sapagkat epektibo at mahusay ang kanyang mga pamamaraan upang maisagawa ang kanyang mga pag-aaral. Siya rin ay
mapanuri at mayroong nakatalagang layunin. Makikita ang kanyang dedikasyon sa kaliwa’t kanang parangal na kanyang natatanggap.  Patunay ang mga ito ng pagiging isang magaling at kapuri-puring pinuno ni Concepcion.




Trinidad Tecson
(18 Nobyembre 1848 – 28 Enero 1928)


Ina ng Philippine National Red Cross/ Ina ng Biak na Bato/ Ina ng Biak na Bato at Ina ng Philippine National Red Cross

Mga Katangian, Isyung kinaharap at Tagumpay
Kilala bilang Ina ng Biak na Bato at Ina ng Awa ng Philippine revolution.
 Nakipaglaban siya kasama ang mga kalalakihan upang ipagtanggol ang kalayaan mula sa mga Kastila . Bagaman at babae, tinanaw siyang pinuno ng mga katipunero dahil buo ang kanyang luob kahit sa init ng labanan at may 'utak' siyang kumilala ng mga dapat gawin upang magwagi. Ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging mataktika/mapamaraan. Siya ay walang takot na sumali sa labingdalawang madugong rebolusyon sa Bulacan kasama na ang kilalang labanan sa Biak- na –Bato. Nakahanda siyang mamuno kahit sa pinakamahirap na kondisyon. Siya rin binigyan ng titulong Ina ng Biak- na- Bato ni Gen. Emilio Aguinaldo at pinuri bilang Ina ng Philippine National Red Cross dahil sa kaniyang hindi matatawarang tulong sa mga Katipunero.

Uri ng Pamumuno
Maituturing na participative, democratic at transformational ang uri ng pamumuno ni Tecson  sapagkat hindi niya ginagamit ang kanyang posisyon at bukas siya sa opinyon ng iba. Siya rin ay masigasig at optimista, at nagbibigay inspirasyon at motibasyon sa kanyang mga kasamahan. Makikita ang kanyang pokus at dedikasyon at higit sa lahat at ang pagiging lider sa pamamagitan ng halimbawa.

Grace Poe

Mga Katangian (Kalakasan at Kahinaan)
Si Grace ay bagong salta sa pulitika pero hindi sa serbisyo publiko. Mula Oktubre 10, 2010 hanggang Oktubre 2, 2012 ay pinamahalaan niya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at sa pagkakatalaga sa kanya ay ipinakilala niya ang bagong sistema ng pag-uuri o klasipikasyon sa sensura ng pelikula at telebisyon, ang pagkakaroon ng karagdagang suporta ng institusyon sa mga tagapagtaguyod ng independent film at ang pakikipagkasundo sa iba pang kawanihan ng gobyerno, samahan sa media at iba pang grupo na may malasakit sa interes sa mga batang manonood.
Nagtrabaho rin si Grace sa FPJ Productions and Film Archives, Inc., negosyo ng kanilang pamilya. Sa Amerika ay nagkaroon din siya ng karanasang mamasukan bilang guro, opisyal ng pakikipag-ugnayan at tagapamahala ng produkto.
Nababatay ang plataporma ni Llamanzares sa tipan na una nang binuo ni FPJ: Pagsawata sa Kahirapan, Oportunidad para sa lahat, lalo na sa mga bata, at elektoral na reporma.
Sakaling maupo sa senado, balak ni Grace na tulungan ang mga batang mahihirap dahil naniniwala siyang ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay sa kung paano huhubugin sa hinaharap ang mga bata.
Mga Isyung kinaharap at Mga Tagumpay
Ang mga isyung kinaharap ni Poe ay tungkol sa kaniyang pinagmulan at ang paghusga ng mga tao sa kanyang kakayahan sa pamumuno. Kung ibabase sa kaniyang karanasan sa politika, masasabing hindi ito sapat upang tumakbo sa mas mataas na posisyon gaya ng pagkapangulo. Binatikos din siya dahil sa kalabuan ng kaniyang pagkatao, kung siya nga ba ay isang Filipino citizen or hindi.
Isa si Grace sa tatlong panauhing kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) na hindi nakadalo sa pangangampanya ng partido. Ang dahilan, sa proclamation rally ng kabilang grupo ng Team Pnoy ng Partido Liberal nangangampanya ang tatlo. Ang hakbang na ito ay umani ng batikos at isa may nag-akusa kay Grace Poe na segurista, at namamangka sa dalawang ilog. Katwiran ni Grace Poe, nauna siyang imbitahan ni Pangulong Benigno Aquino III na sumanib sa Partido Liberal. Naunang inampon ng LP si Grace sa kabila ng pagdedeklara nito na tatakbo siyang Independent sa halalan 2013 para sa pagkasenador.

Uri ng Pamumuno
Aktibong lider at tagapagsalita sa publiko, itinanghal din si Grace bilang kampeon sa debate sa Assumption College kung saan siya nagtapos ng elementarya at sekundarya. Kumuha siya ng Aralin sa Pagpapaunlad sa Unibersidad ng Pilipinas, Maynila (UPM) noong 1986 hanggang 1988. Nag-aral din siya sa Boston College para sa kanyang masteral sa Political Science (Government and Political Theory). Masigasig din niyang pinaghahanadaan ang mga talumpati at debate kung saan siya ay kabilang.

Miriam Defensor- Santiago,
“Ang Iron Lady ng Pinas”

Mga Katangian
Si Miriam Defensor-Santiago ay kilalang matapang na pulitiko., kritiko at lumalaban sa korapsyon ng gobyerno, makapangyarihang babae sa mundo, ang Margaret Thatcher ng Pilipinas at ang Most Outstanding Senator.
Mula pa sa panahon ni Marcos hanggang sa kasalukuyang Aquino, naipamalas na niya ang tunay na kulay ng pulitika. Sabihin na nating traditional politician, malaki naman ang naiambag nya sa pulitika ng bansa. Si Miriam, ang pinakamatagumpay na naging senadora, nakapag-akda ng napakaraming batas at pinagkakatiwalaan ng madla pagdating sa tunay na public service.

Mga isyung kinahrap at mga tagumpay 
Nang tumakbo siya ng pagkaangulo ay natuklasan na nagkaroon ng malawakang pandaraya sa halalan. Lamang ng milya-milya sa unang limang araw ng bilangan ng boto noong 1992 presidential elections ngunit biglang natalo at nalaglag dahil sa nangyaring nationwide blackout. Naulit pa ang pagtatangka noong 1998 nang tumakbo muli sa ilalim ng People’s Reporm Party at natalo laban kay Joseph Ejercito Estrada. Isa sa mga pangunahing isyu na kinaharap nito ay ang paglubha ng kaniyang kalusugan. Natuklasang may cancer at stage 4 na ito. Gayunpaman, ipinakita ni Defensor-Santiago na hindi siya basta basta matitinag sa ganitong bagay. Patuloy parin ang kaniyang adbokasiya laban sa korupsiyon at mabigyan ng malinis at tapat na serbisyo ang mamamayang Pilipino. Ang hamon kay Miriam ay malaki dahil nakasalalay sa mga kamay nya ang hustisya at katarungan na dinaraing ng mundo hinggil sa mass genocides at iba pang krimeng lumalapastangan sa karapatang-pantao. Kahit na kumakain sya ng death-threats sa umaga, mag¬duwelo at mag¬-suicide para ituwid ang mali at magtatalak sa senado, si Miriam ay minahal ng madla kahit na sa tingin ng iba ay may pagka-tuliling ang utak sa mga desisyon at salitang binibitawan.

Uri ng Pamumuno
Naging isa sa pinakamakangyarihang huwes at ang pinakamaraming natapos na kaso na inihain sa kanyang sala. Lalo’t higit ay mga kaso noong panahon ng Martial Law. Walang ibang huwes ang naglakas loob na buwagin ang batas militar na pinairal na Marcos sa halip ay Saligang Batas ang ipinairal kahit na buhay at katungkulan ang nakataya. Sa mga desisyon ni Miriam, due process of law ang kanyang pinaibabaw. Pinagtanggol nya ang karapatan ng mga kabataan at etudyante at pinanindigan ang kalayaan ng hudikatura noong panahong Marcos. Siya ay bayaning matatawag ng lahat ng mga estudyante sa unibersidad at nirespeto pati na mga martial law administrators.
Napakaraming batas na ang naiambag ng senadora, at isa sa mga inisusulong nya sa kasalukuyang panahon (mula November 2011) ay ang Reproductive Health Bill, Foreign Language Education Partnership Act, False Complaints Against Public Officials  as an Aggravating Circumstances of Perjury, Pollutant Release and Transfer Registry Act, Stay Clean and Sober Act, Fire Arms Law, An Act Criminalizing Necrophilia, Ending Corporal Punishment in Schools Act of 2011, Philippine HIV and AIDS Plan Act of 2011, Anti-Justice Evasion through Travel Act of 2011, Preventive Imprisonment, Limitation on Recall in Local Government Code, Incandescent Light Bulb Ban Act, Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law, Genocide and other crimes Against Humanity, Revised Penal Code (Incriminating Innocent Person), Anti-Money Laundering Act, Special Education Act, Total Plastic Ban Act of 2011, Coastal Tourism Planning Act, Excise Tax on Tobacco Product, Electoral Processes Accessibility Act of 2011 at marami pang iba.
Kaliwa’t kanan ding parangal ang natanggap niya sa kanyang likas na talino at baong serbisyo sa masa. Sa papasuking bagong karera ni Miriam, nariyan pa rin ang sambayanang Pilipino na naniniwala sa kanyang kakayahan. Ang iskolar ng bayan na talino ang puhunan at palaban, iyan si Miriam Defensor- Santiago!

MELCHORA AQUINO

                                                         Katangian (Kahinaan at Kalakasan)
Noong panahong umusbong ang rebolusyon laban sa mga Espanyol dahil sa gustong mapasakamay ng mga Espanya ang Pilipinas, nasa edad na 84 na si Melchora Aquino ngunit hindi ito naging hadlang upang makatulong sa mga rebolusyonaryo na handang lumaban sa mga mananakop. Ipinagamit ang kanyang tindahan upang makapagbigay siya ng medikal na pangangalaga at nakakapagbigay din niya ng lakas ng loob sa mga sundalong nakikipaglaban laban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pananalangin. Nagsasagawa rin ang mga sundalo ng mga sekretong pagpupulong sa tindahan ni Tandang Sora. Noong nalaman ng mga Espanyol, ang pagbibigay-alaga sa mga sundalo, dinakip nila si Tandang Sora at tinanong kung saan matatagpuan ang lider ng mga katipunero na si Andres Bonifacio. Tumanggi siyang isawalat kung ano ang kanyang nalaman kung kaya’t ipinatapon ng Espanya sa Mariana Islands si Tandang Sora. Matapang at walang alinlangang tumulong si Melchora Aquino sa mga nangangailangan kahit nasa bingit ng panganib ang kanyang buhay.

Mga Isyung Kinaharap
Ang pagtulong sa mga katipunero bilang manggagamot at patnubay noong pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
Ipinatapon siya sa Mariana Islands ng hindi pagsiwalat sa kinatatagpuan ng lider ng Katipunan, Andres Bonifacio.
Noong nakabalik siya sa Pilipinas, matanda na at mahina na si Melchora Aquino. Ni-nalalabing ari-arian ay wala na rin ng makauwi ito sa kanyang tahanan at tindahan.

Mga Tagumpay:
Tinagurian siyang “Ina ng Katipunan”
Kasapi sa mga samahan tulad ng Iglesia Filipina Independiente, Katipunan, La Liga Filipina La Solidaridad, Pangkat Magdalo, Pangkat Magdiwang, Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik

Uri ng Pamumuno:
Kagaya ng isang ina ang pamumuno at pangunguna ni Melchora Aquino sa mga matatapang na katipunero na nakikipaglaban sa mga Espanyol na mananakop. Hindi niya pinabayaan ang mga taong nangangailangan ng kaniyang tulong kahit na alam niyang ang posibleng mangyari sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang kanyang katandaan sa panggagamot kundi naging daan pa ito upang makatulong.

GREGORIA DE JESUS

Katangian (Kahinaan at Kalakasan)
Bilang babae at asawa ng Supremo na si Andres Bonifacio, naging tagapagtago siya ng mga lihim na dokumento ng Katipunan. Matapang niyang hinarap ang kanyang kapalaran na maging asawa ng isang rebolusyonaryo, patunay nito ang ginawa niya noong nababalita na mag-iimbestiga ang mga Espanyol, nilikom niya ang mga dokumento at mga  armas at agad siyang umalis lulan ng isang sasakyan na siya mismo ang nagpaandar. Niligaw niya ang mga kaaway ng siya ay magpaikot-ikot sa mga tabi ng ilug-ilugan ng Tondo. Sa mabilis na paggalaw ni Oriang, nakakaiwas ang mga Katipunero sa bingit ng kamatayan laban sa mga Espanyol. Natuto siyang sumakay ng kabayo at bumaril na bilang panlaban sa mga kaaway na noong mga panahon na iyon ay bihira lamang ang makagawa nito sa isang babae. Naranasan niyang maiwan sa mga mapapanganib na mga lugar bilang isang gerera.

Mga Isyung Kinaharap
Sa edad na 18, umibig si Gregoria sa Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Ngunit tinutulan ito ng ama ni Gregoria na si Nicolas de Jesus dahil si Bonifacio ay isang mason na tumututol sa mga turo ng simbahan. Kalaunan, pinahintulutan rin ito ng kanyang ama at nagpakasal sila sa simbahan ng Binondo. Sapagkat siya ang lumilikom ng mga lihim na sulat at mga importanteng dokumento ng Katipunan, tungkulin niyang itago ito sa mga kaaway upang hindi malaman kung ano ang kanilang plano.

Mga Tagumpay
Nabantayan niyang maayos ang mga dokumento at matapang niyang hinarap ang mga kaaway. Hindi naging hadlang ang pagiging babae at ina niya sa pagtatanggol sa ikabubuti ng kalagayan ng bansa. Kahit hindi siya pinapatuloy ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang tahanan, naging matatag siya at hinarap ang hamon ng mga Espanyol ng buong katapangan.

Uri ng Pamumuno
Nanguna siya sa pakikipaglaban at pagtatago sa mga mapapanganib na lugar upang maprotektahan ang mga inosenteng Pilipino at maipagtanggol sa mga umaaping mga dayuhan na pilit sumasakop sa ating bansa. Nasa panganib man ang kanyang buhay, pilit niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin upang maging mukha ng katapangan at mapatunayang hindi lamang ang mga kalalakihan ang may ipinaglalaban para sa kalayaan ng bansa.

Andres Bonifacio

  

              Katangian

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho. Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.


Mga Isyung Kinaharap

Sa mga problemang hinarap ng mga Pilipino, pinakamalubha ang kawalan ng hustisya at ang kalupitan ng guardia civil, ang pagkait sa kalayaang maghayag at magtipon, ang limitadong edukasyon ng mga Pilipino, at ang pagpapabaya ng gobyernong Espanyol sa komersyo at industriya.

Mga tagumpay

Taong 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham.




Uri ng pamumuno
               

Si Deodato Arellano ang unang pangulo ng Katipunan; nailuklok siya sa posisyon noong 1892. Noong Pebrero 1893 ay pinalitan siya ni Roman Basa bilang pinuno ng kapatiran. Noong 1895 naman, muling nagkaroon ng pagpapalit ng liderato kung saan si Andres Bonifacio ang naging pangulo. Ang tawag kay Bonifacio ay ‘Supremo’. Namuno si Bonifacio sa maraming labanan kontra sa puwersang Espanyol. Ang kanya ring mga sulatin ay naghubog sa diwa at kaisipan ng himagsikan. Isinabuhay niya ang mga aral ng Katipunan na kanya ring sinikap pagyamanin. Sa ilalim ng kanyang liderato, nagpatuloy ang paglakas ng kilusan hanggang sa tuluyan itong naghimagsik sa pamahalaang kolonyal noong 1896.
RODRIGO ROA DUTERTE
Si Rodrigo roa duterte o mas kilala sa pangalang digong ay ang Labing anim na pangulo ng republika ng pilipinas, matapos makalipon ng higit labing anim na milyong boto, siya ay isang abugado at nagsilbing Alkalde ng Dabaw (Davao City) ng higit na 20 taon bago tumakbo bilang pangulo

Katangian  Kalakasan
Si Pangulong duterte ay nakilala sa kanyang tibay ng pamumuno mula noong siya ay isa pang alkalde,  kilala ang kanyang pamamalakad bilang strikto at may paninindigan, ang galit nya sa krimen ang nagdala sa Davao mula sa isang magulong syudad papunta sa pinaka ligtas at maayos ang pamamalakad, galit sa korupsyon,  krimen,  Droga at iba't ibang uri ng paglabag sa batas.  Ito ay nagustuhan ng mamayang Pilipino kaya't sya ay hinikayat tumakbo bilang Pangulo, sa platapormang sugpuin ang korupsyon l,  kriminalidad at Droga sa bansa,  lumitaw ang kanyang pagkatao mula sa ibang kandidato.  Nakita umano ng ibang Pilipino ang tapang at malasakit para sa tao. Sa pagkamuhi ng tao sa korapsyon na dinala ng mga nakalipas na administrasyon. Maraming humuhusga sa kanyang kakayanan bilang pinuno dahil sa pamamaraan ng kanyang pagsasalita,  hindi sya katulad Ng mga nakasanayan nating pinuno na pormal at lahat ay dinadaan sa pagandahan lamang ng salita.  Subalit ito ay binabati naman niya sa aksyon at epekto ng kanyang nasabing  pamumuno.

Uri ng Pamumuno
Ang pinaka malaking isyu na hinaharap ng ating kasalukuyang pangulo ay ang problema sa Droga kung  saan halos nilamon o nasakop na nito ang buong bansa.  Sa kanyang platapormang sugpuin ang Droga ay dito naman naharap ang isa pang problemang dala ng kanyang mga kalaban sa pulitika na binabansagang extra judicial ang paraan ng pamamalakad o walang maayos na pag dinig sa mga kaso,  isa pang isyung hinaharap Ay ang tambak tambak na problemang iniwan ng mga nakalipas na administrasyon kung saan umano na palayo na ang tao sa tiwala sa gobyerno at hindi na ito sumasangguni sa problema.  Sa kanyang pamumuno muli umanong inilalapat ng pangulo ang mga Pilipino sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbukas ng 8888 hotline kung saan pwedeng i sumbong ng taong bayan ang mga nangyayaring anumalya at korupsyon sa lokal Na pamahalaan,  isa narin dito ang pagpapatupad ng pambansang 911 emergency service kung saan sa panahon ng kalamidad o sakuna ay pwedeng tumawag ang mga Pilipino sa paghingi ng saklolo sa gobyerno,
Kilala rin ang ating kasalukuyang pangulo sa kanyang pagsasalita,  panalo dalos at minsan nadadala ng galit.  Ang kanyang paliwanag ito umano ay dahil sa kung gusto raw sya maintindihan ng mga kriminal ay kailangan umano nya salitain ang wika ng mga ito.  Naging epektibo ito sa panahon ng eleksyon kung saan dito nahikayat ang mga Pilipino at naki isa sa galit ng pangulo sa kriminalidad at korapsyon. Kitang kita sa resulta ng eleksyon kung ano ang nararamdaman ng mga Pilipino ukol sa nakaraang pamamalakad ng bansa.  Ito umano ay gusto na nilang mabago at mapalitan ng isang matibay.  Bukas sa tao at maka taong pamahalaan.

MARIA JOSEFA GABRIELA SILANG

Katangian Kalakasan
Sinong nagsasabing ang mga kababaehan ay hindi kayang maging kasing tapang ng mga kalalakihan? Ang mga babae ay may angking  pagpupunyagi at lakas na hindi inaasahan lalo noong unang panahon. Ito ay mapapatunayan ni Gabriela Silang, Isang babaeng namuno sa digmaan at isang kalakaran.

Mga Isyung Kinaharap
Noong sinakop ng mga Espanyol ang Ilocos, ang buhay ng mga Ilocano ay nagging marahas at katakot takot. Silang ay persahang  pinagtratrabaho at sinisingil ng pagkatataas na buwis. Hinarap nila ang malaki nang problemang panlipunan. Sa pamumuno nina Diego Silang at Gabriela Silang, ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol ay nabigyang buhay. Dahil sa taglay na katapangan ni Gabriela Silang, marami ay humanga sa kanya. Hindi nila inaakala na ang isang babae ay maykakayahang sumali at pagpunyagi sa isang digmaan. Patuloy ni yang panag laban ang karapatan na kalayaan.

Ang sinimulan na pag-aalsa ay hindi madali, madaming paghihirap ang kinaharap ng mag-asawa.  Sa kabila ng panganib na kanilang kinaharap, hindi parin sumuko ang dalawa sa ngalan ng tagumpay at kalayaan.

Sa kasamaang palad, napatay ng mga Kastila si Diego. Ang pagkamatay ng kanyang asawa ay nagdulot sa kanya ng lubhang pagkalungkot. Dahil sa pagkamatay ni Diego, mistulangan na pilay an gang kanilang pag-aaklas. Kahit na nagluluksa dahil sa pagkawala ng asawa, tinangap ni Gabriela ang resposibilidad ng pagiging pinuno nang mag-isa. Madami ay hindi nag-aakala na siya ay magtatagumpay, sa dahilan na siya ay isang babae. Ang pagkawala ng kanyang asawa ay nagging isang malaking pagsusubok sa kanya. Siya ay lumaban bilang isang Henerala, ipinakita ang pagiging magiting sa digmaan. Pinangunahan niya ang kanyang mga kinasasakupan upang matamo ang kalayan na hinahangan ng kanyang namatay na asawa. Kanyang pina tuloy ang laban hangang sa huling hininga.

Mga Tagumpay at Uri ng pamumuno
Hindi nawalan ng pagasa is Gabriela kahit na wala na ang kanyang asawa. Kanyang inisip ang kinabukasan ng kanyang mahal na bayan. Siya ay nag desisyon  na itinuloy ang labang naiwan ng asawa.
Kanyang pinalakas at nagparami pa ang mga sundalo, siya ay nanawagan sa mga kababayang naninirahan sa bulubundukin ng Abra. Sa pagnanais na muling makuha ang kalayaan sa Vigan, itunoloy nila ang pag sulob sa mga Kastila. Ngunit, ang dala niyang kawal ay na sa 2000 lamang, habang 6000 ang mga Kastila. Ang kanilang pangkat ay nakipaglaban ng buo ang luob para sa hinahangad na kalayaan. Nang matapos ang digmaan, nagdesisyon si Gabriela na tuluyang paatrasin ang natitirang walumpung kababayan. Kahit na hindi nagtagumpay sa laban, siya ay nagging inspirasyon sa kanyang mga kababayan, noon maging ngayon. Siya ay kumakatawan sa isang matapang sa henerala na handang ibuwis ang buhay para sa nakararami at sa kaginhawaan at karayaan. Sa huli, ang Espanyol ay natunton siya ng mga espanyol at walang awang binitay ang henerala. Upang ipagyabang ang pangyayari,ikinalat ng mga Kastila ang masamang balita, na may pagnanais na matakot ang ibang mag-tatangkang pag-aalsa laban sa kanila. Hindi nila inaasahan na ang balitang ito ay nag bigay nang mas malaking pagasa upang mas mahalin at ipagtanggol ng mga tao ang bayan at kanilang mga karapatan.